Monday, June 16, 2014

Blender ( Computer Aided Design)



Panimula:
Maalala ko pa nang kami ay mga  studyante pa lang sa engineering course noon. Sinong di makakalimot sa engineering drawing 1 & 2 ni Architect Edz Tianco .Isang kartolina at drawing table sa 3 oras kailangan , dapat kalahati  na ng "plate" ay nagawa na namin at importante di nasisilip ang pinag tuldukan sa kanto ng mga figures.

Itong lahat ay sa kapanahunan ng lumang tipan este nung kami sa College ng Engineering pa.Subalit sa kasalukuyan , karaniwan ay gamit ng ang CAD (Computer Aided Design). Sa karamihan din, ang CAD ay isang mahalagang gamit sa   visual  na pag tuturo  para sa ibat-ibang pag dedesinyo , mula sa madali at mahirap na structura kung saan ang isang studyante ay dapat hubugin.Pero di sa lahat ng engineering schools ay madaling makakaya ng pagbili ng isang commercial na software engineering tools, sapagkat itoy may  kamahalan. Sa pakakaalam ko ang lisensya ng commercial CAD softwares  ay umaabot sa humigit kumulang daang libo din,di practical sa isang public at pribadong college and universities, lalo nat ang budget ay may mapaglalaanan pa.

Bagaman, ang CAD software ay kailangan sa isang course ng engineering ,meron pa ding mga pamalit o alternatibo na software na pwedeng gamitin.Ito ay ang pag da-download lamang ng gma software na libre ika nga open source.Tiyakin lang na ang software ay sumusuporta sa compatible sa mga standard format na kinakalingan sa Industriya kahalintulad sa mga commercial na CAD (G-Code,STL,Script atbp).

Marahil madami sa mga ito ang pwedeng tangkilikin, pero may mainam na kilalang gamit na kinasanayan ng  karamihan -ito ang Blender. At ito ang site para sa mga karagdagang information sa pagamit : http://www.blender.org/ .Sa blog na ito, ating tuklasin ang mga application at features kung bakit ito ay isang garantisadong CAD software na opensource


Kinakailangan:
1 PC Unit    mas mainam mataas ang RAM ng computer
OS Linux,Windows
Website ng mga 3D Models  sa isang repository
http://www.blender-models.com/model-downloads/buildings/

Kaparaanan
Simple lang ang pag downlod at pag install ng Blender
Sa  Linux:
1) Fedora OS
root@localhost# yum install python*
root@localhost# yum install blender*

2) Ubuntu/Debian
root@localhost# apt-get python*
root@localhost# apt-get blender*

Sa  Windows
Sundan ang instruction sa link na ito
http://wiki.blender.org/index.php/Doc:2.6/Manual/Introduction/Installing_Blender/Windows


Detalye:

1)Pag intall ng Blender sa shell ng Fedora
















2) Pagbukas ng Blender  interface















3)Pag usog sa posisyon ng figure















4) Pag pahaba o pagpapalaki ng isang figure















5) Pag paikot sa posisyon ng figure















6) STL (STereoLithography Format na mga files














7) Pag import ng STL format files sa Blender















Kabuohan
Isang tulong sa academya ang pagtangkilik ng mga open-source application na libre.Ang Blender ay isa lamang sa pinakamainam na kagamitan para sa paghubog ng mga engineering professionals.Di lang ito gamit sa academya  gamit din ito sa industriya ,isa lamang patunay na sapat ang  software na ito para pamalit sa nagmamahalang lisenya ng commercial CAD software.


Pang-wakas na Opinyun:
Ang pag gamit ng libreNg CAD Software (isa na dito ang Blender CAD) na open-source ay napapanahon na para sa mga  engineering schools sa Pilipinas.